Connect
To Top

Heart Evangelista pinagusapan online dahil sa ‘yayamanin’ na gintong straw

Pinagkakaguluhan na naman ang bagong selfie photo ng aktres na si Heart Evangelista kung saan makikitang siya ay umiinom ng softdrink na kung san ang gamit niya ay isang gintong straw. Nag-react ang maraming netizens dito at sinabing pati ba naman daw straw ay ‘sosyal’ pa talaga at ‘yayamanin.’

Makikita rin sa photo na naka-cap si Heart, at hindi ito ordinaryong cap – ito ay isang cap na may tatak na ‘Prada.’ Ang nasabing photo ay may kasamang caption na:

“Keeping it cool”

May isang netizen na nagtanong kay Heart kung saan niya nabili ang golden straw na kanyang gamit. Nagpaunlak naman si Heart at sinagot ang katanungan ng netizen:

“sa divi dear” sagot ni Heart na ang ibig sabihin ay sa Divisoria niya ito nabili.

Kaya naman lalong mas madaming humanga kay Heart dahil maaring sosyal nga siyang tignan lalong lalo na sa kanyang mga gamit, nguni’t hindi ito nahihiyang aminin kung saan galing ito o saan nyo ito binili.

Ika nga ng madami – sa nagdadala lang yan.

(Photo source: Instagram – @imahearte)

You must be logged in to post a comment Login

More in News