Connect
To Top

GMA-7 exec inaming kinakausap na nila si Bea Alonzo

Usap-usapang sa showbiz industry ang paglipat ng ilang bigating Kapamilya stars sa bakuran ng GMA-7 network. Una na nga dyan ang paglabas ni John Lloyd Cruz sa GMA-7 at napabalitang may gagawin pa itong sitcom kasama si Andrea Torres.

Ang isa pang napaguusapan ay ang pakikipagusa ng GMA-7 sa aktres na si Bea Alonzo. Matatandaang isa sa pinaka-sikat na tambalan ang John Lloyd at Bea lalong lalo na ang karakter na kanilang ginampanan na sina Popoy at Basha sa pelikulang One More Chance noong 2007.

Sa interview ng ‘The Philippine Star‘, ay kinumpirma ni GMA Network board director Annette Gozon-Valdes na kinakausap na nila si Bea.

“Let’s see kasi di ba we have a movie with her to be co-produced with Viva and APT, siya at si Alden Richards,” sabi ni Ms. Annette.

Idinagdag din ni Ms. Annette na welcome na welcome sa bakuran ng GMA-7 si John Lloyd:

“Gusto niya talaga. He’s very vocal to everyone in the network na we’re interested in John Lloyd and dati naman nung mga 20 years ago, gusto na niya eh and so ngayon gusto pa rin niya.” pahiwatig ni Ms. Annette.

Ang isa pang maugong na usap-usapan ay ang paglipat din ni Piolo Pascual sa Kapuso network.

(Photo source: Instagram – @_jlc8bea.labers)

You must be logged in to post a comment Login

More in News