Connect
To Top

Gerald Anderson madalas mag-stay sa kanyang private resort

Muling ipinakita ni Gerald Anderson kung gaano na kaganda ang kanyang private resort sa Zambales na kanyang tinawag na Hayati Private Resort. Napakaganda ng pagka-ayos ni Gerald sa nasabing resort na talaga namang kanyang tinutukan nang ito ay ginagawa pa lamang.

Dahil sa pandemya ay naging matumal ang pag-out of town ng madlang pipol at madaming resorts ang naapektuhan ang kanilang negosyo.

Kaya naman sa resort madalas namamalagi si Gerald ngayon at patuloy na lalo pang pinapaganda ang kanyang private resort. Sa kanyang Instagram account ay nagpost si Gerald ng ilang photos ng kanyang resort na may simpleng caption na: “Im just here.”

(Photo source: Instagram – @andersongeraldjr)

You must be logged in to post a comment Login

More in News