Connect
To Top

Former actress Chin-Chin Gutierrez is now a full-pledged Carmellite nun

Ibinalita ni entertainment columnist Lolit SOlis na ang dating aktres na si Chin-Chin Gutierrez ay isa ng ganap na full-pledged Carmellite nun. Matagal ng kilala si Chin-Chin na malapit ang loob sa Maykapal kaya hindi naman kataka-taka ang buhay na kanyang piniling tahakin.

Ayon kay Lolit, ngayon na isang madre na si Chin-Chin ay humingi ito ng dasal para sa lahat.

“Ang gandang balita na ngayon ay isa ng full pledged Carmellite nun si ChinChin Gutierrez. Magandang balita dahil mula sa glittering world ng showbiz heto si Chinchin Gutierrez isang mahusay na actress pero mas pinili ang spiritual growth.

Nuon pa balita na pumasok si Chinchin sa kumbento, isang malaking hakbang papunta sa sisterhood at heto ngayon, isa ng madre ng Carmellite mission. Isang mahusay na artista na mas pinili ang maging madre upang masilbihan ang spiritual needs ng tao. Pray for us Sister Chinchin, iyan ang kailangan natin ngayon , ang dasal ng mga tulad mo. Pray for us.”

(Photo source: Facebook – @Chin-Chin Gutierrez)

You must be logged in to post a comment Login

More in News