Connect
To Top

Erwan Heussaff na-aksidente; Anne Curtis nagalit

Sa bagong vlog ni Chef Erwan Heussaff ay mapapansing puno ito ng benda sa kamay at braso. Habang nagluluto ay sinasabi ni Erwan siya ay na-involve sa isang aksidente habang siya ay nag-iiskateboarding.

Ayon kay Erwan ay puno siya ng galos sa kanang parte ng kanyang katawan habang ipinapakita niya sa video ang mga sugat, galos at benda sa kanyang mga kamay.

“My whole right side is just completely bruised up and scabbed up, so I’m sorry if it’s disgusting.” sabi ni Erwan. “I’m 34 years old and I shouldn’t be skateboarding. “That’s a piece of advice to anyone out there who thinks they’re a teenager.” dagdag pa ng gwapong chef.

Sa background ay maririnig mo ang boses ni Anne na nilagyan pa ni Erwan ng caption na “how to make your wife mad.”

“So tell me what happened,” sabi ni Anne, ma sinagot naman ni Erwan ng “You shouldn’t go skateboarding.” “Downhill,” dagdag ni Anne na sinagot ni Erwan ng “Downhill, with a skateboard you haven’t used in two years.”

Napaka-supportive pa din ni Anne dahil kahit na naaksidente ang asawa ay tinikman pa din niya ang lutong Korean Corndog and Banana Cue Corn Dogs ni Erwan.

(Photo source: Instagram – @erwan)

You must be logged in to post a comment Login

More in News