Connect
To Top

Ellen Adarna itinangging nagka-stretch marks: “Am Perfect”

Muling nagkaroon si Ellen Adarna ng question and answer session sa kanyang Instagram Story na kung saan ay sinasagot niya ang mga katanungan ng mga netizens ang mga bagay bagay na may kinalaman sa buhay ni Ellen.

Madalas na mga tinatanong kay Ellen ang kanyang pananaw sa relasyon, sa pag-ibig, sa kanyang mga beauty secrets at marami pang iba.

Ang isa sa mga tinanong ng netizen ay ang tungkol sa kung nagkaroon ba daw siya ng stretch marks? Matatandaang may anak si Ellen na si Elias Modesto.

“did you even had stretch marks sa pagbunti? huhu grabe perfect kaayo ka dai” tanong ng netizen.

Sagot ni Ellen: “wala ako stretch marks day, right love?” tanong ni Ellen kay Derek Ramsay na katabi niya sa video.

“wala talaga” sagot ni Derek na dinagdagan naman ni Ellen ng “am perfect”

(Photo source: Instagram – @maria.elena.adarna)

You must be logged in to post a comment Login

More in News