Connect
To Top

Dimples Romana labis ang tuwa para sa kasambahay na si Ate Vilma: “may contract signing”

Hindi maitago ng aktres na si Dimples Romana ang kanyang kasiyahan sa narating ng kanilang kasambahay na si Ate Vilma Omid. Sa kanyang pinost na photo ay makikitang may pinipirhan si Ate Vilma.

Sabi ni Dimples: “Uy si Ate @vilma_omid may contract signing.” Hindi na binigay ni Dimples ang detalye kung ano nga bang kontrata ang kanyang tinutukoy.

Nguni’t idinagdag ni Dimples na masaya siya sa tagumpay na nararating ni Ate Vilma. Para kay Dimples, ang tagumpay ng isa ay tagumpay ng buong pamilya.

Narito ang kabuuan ng kanyang kwento:

“Uy si Ate @vilma_omid may contract signing 😍🥰 Hulaan nyo kung para saan? I’m so so happy for you ate v!!! God is good talaga! Truly good things happen to good people ☺️

Alam nyo yung pakiramdam nung you have been together as a family for decades at hindi man kayo magkadugo pero yung pagmamahal at pagmamalasakit ay di na natatawaran.

Basta sa pamilyang ito @papaboyetonline and I stand by our goal that nobody gets left behind, the path to success are taken together, with one another. And both our parents ni Boyet , my Mama Gie and Papa Bong in heaven, Mommy Beth and Papa Boy taught us that before we help other people we must help those who are closest to home, first.

Ang tagumpay ng isa ay tagumpay ng buong pamilya! Punong puno ang puso ko watching you begin this journey! 🤗 Let’s do this Ate V!!!”

(Photo source: Instagram – @dimplesromana)

You must be logged in to post a comment Login

More in News