Connect
To Top

Claudine Barretto payag makatrabaho si Julia Barretto: “professional ako, artista ako”

Bukas si Claudine Barretto sa possibleng pagsasama nila ng kanyang pamangkin na si Julia Barretto. Nilinaw ni Claudine na bagamat may tampo sya kay Julia ay hindi nangangahulugan na ayaw niya itong makasama o makatrabaho sa isang proyekto.

Sa isang video post ng Celebrity Update ay naitang kay Claudine kung bukas ba siya sa ideya na gumawa at makasama si Julia sa isang proyekto.

“Alam mo kapag trabaho, kahit anong trabaho yun basta nagustuhan ko yung script kahit sino naman ang kasama ko ok naman ako kasi professional ako artista ako, maliit lang ang showbiz.” panimula ni Claudine.

“Kung meron pa ding picture pwede naman kaming magtrabaho. Ang dami namang ganun, mga hindi nagkakasundo pero nagtratrabaho together. Walang personalan na, trabaho trabaho lang.” dagdag pa ni Claudine.

(Photo source: Instagram – @juliabarretto)

You must be logged in to post a comment Login

More in News