Connect
To Top

Claudine Barretto inaming ‘na-ghosting’ niya ang ex-bf na si Mark Anthony Fernandez

Sinariwa ni Claudine Barretto ang kanyang nakaraan kay Mark Anthony Fernandez na naging boyfriend niya noong sila ay mga bata. Inamin ni Claudine na ang kanilang kabataan ay malaki ang naging dahilan kung bakit hindi sila nagkatuluyan.

Sa story conference nng ‘Deception’ na kung saan ay magtatambal sina Claudine at Mark ay nabanggit ng aktres na tila na-ghosting ata niya si Mark noon.

“What happened kasi sa amin ni Mark, parang na-ghosting ko yata,” panimula ni Claudine.

“Siguro one day we just woke up and parang we thought na ‘Okay, mas importante ang mga careers natin, we have to start…’ Kasi we were really very, very young. Sixteen palang ako, Mark and I were together already. So, talagang young love, mapusok.” dagdag pa ni Claudine.

“We never had a closure. We never hated each other, we never spoke ill of each other—ever. That’s the one thing na talagang gustong-gusto ko kay Mark. “He never spoke ill of me ever. Sa lahat ng mga naging karelasyon ko si Mark ang pinaka-mabait. Walang masamang tinapay kay Mark.” sabi ni Claudine.

(Photo source: Instagram – @vivaartistsagency)

You must be logged in to post a comment Login

More in News