Connect
To Top

Bea Alonzo ibinahagi ang dahilan bakit siya tumaba at nahirapang magbawas ng timbang

Inamin ni Bea Alonzo na nahirapan siyang magbawas ng timbang dahil meron siyang health issues. Sa kanyang pinakabagong vlog na kung saan makikitang siya ay nag-eexercise kasama ang kanyang trainor ay ibinahagi niya ang kanyang fitness journey.

Unang una ay sinabi ni Bea na regular naman ang kanyang pag-exercise at tumatakbo pa nga daw siya sa UP bago mag-pandemic. Nguni’t ng nagsimula na ang pandemya at nabawasan naman ang time nya to exercise at napadami ng kain niya ng mga junk foods.

Naging mas energetic daw siyang kumain.

Idinagdag ni Bea na meron siyang problema sa kanyang hormones na naging sanhi ng pagbagal ng kanyang pababawas ng timbang.

“I am also dealing with problems with my hormones that actually is a big setback sa pag lose ng weight,” sabi ni Bea.

(Photo source: Instagram – @beaalonzo)

You must be logged in to post a comment Login

More in News