Connect
To Top

Alma Moreno inireklamo sa hindi pagbayad ng renta at electric bill

Inireklamo ni Theresa Grenard ang aktres na si Alma Morena na diumanoy hindi pagbayad nito ng renta sa kanyang condo at sa hindi din pagbayad ng kanilang nakunsumong koryente sa Meralco. Idinulog ni Grenard ang kanyang problema kay Idol Raffy Tulfo sa kanyang programang ‘Raffy Tulfo in Action.’

Ayon sa salaysay ni Grenard ay inupahan ni Alma ang kanyang condo ng isang buwan nguni’t nanatili si Alma ng higit isang buwan sa condo at hindi pa binayaran ang koryenteng nagamit nito.

Idinagdag pa ni Grenard na umalis si Alma sa kanyang condo ng walang paalam. Ang tanging hiling na lamang niya ay bayaran na ni Alma ang bill nila sa koryente na umaabot ng PhP 40,000.00 para sa limang buwan nilang pagtira, hindi na daw niya sisingilin yung renta sa pagtira ni Alma ng lagpas limang buwan.

Narito ang video:

(Photo source: Instagra – @iamalmamoreno)

You must be logged in to post a comment Login

More in News