Connect
To Top

Aljur Abrenica umaming nagkaproblema sila ni Kylie Padilla

Sa wakas ay nagsalita na si Aljur Abrenica sa napabalitang problema nila ng asawa niyang si Kylie Padilla na ang balita ay muntik pang mauwi sa hiwalayan. Mainit ang naging usapan sa naging estado ng kanilang pagsasamahan ng magpost si Kylie ng mga sunud-sunod na mga cryptic messages na tila nagpapahiwatig na on the rocks ang marriage nila.

“I’m submissive, not stupid,” More self-love, baby girl,” at “Free.” post ni Kylie noon.

Sa isang artikulo ng Pikapika, naitanong kay Aljur kung ano ba ang tunay na nangyari sa kanila ni Kylie. Ito ay naganap sa virtual story conference ng upcoming Vivamax movie na ‘Nerisa.’

“Ang masasabi ko, lahat tayo may pinagdadaanan…nagka-problema kaming dalawa at na-mismanage namin when it comes to posting…na-spread sa mga tao,” sabi ni Aljur.

Pero to set the record straight, sinasabi ko nga, we’re good, we’re talking and we’re doing everything when it comes to … …what’s best sa aming dalawa at sa mga bata.” dagdag pa ni Aljur.

(Photo source: Instagram – @ajabrenica)

You must be logged in to post a comment Login

More in News