Connect
To Top

Aiko Melendez at anak na si Marthena naaksidente ang sasakyan sa QC

Ikwento ni Aiko Melendez na nabangga ng truck ang kanilang sasakyan sa Mindanao Avenue, Quezon City. Kasama ni Aiko ang kanyang anak na si Marthena Jickain.

Sa article ni Jun Lalin para sa Abante, sinabi ni Aiko na ginitgit daw sila ng truck nguni’t hindi naman daw sila nasaktan ng anak.

“Hindi naman kami nasaktan, pero wasak my car. Buti na lang walang masamang nangyari sa amin ni Marthena.” sabi ni Aiko.

“Sa Mindanao Avenue (QC) kami naaksidente. Buti insured ang car ko. First time ko na mabangga ng ganun kalaki ang damaga. Hassle talaga.” dagdag ni Aiko.

“God is good! Thank you talaga at OK kami.” pasasalamat ni Aiko.

(Photo source: Instagram – @aikomelendez)

You must be logged in to post a comment Login

More in News